Sabado, Hulyo 9, 2011

Breastfeeding Tips for Filipina Mothers

Lahat ng nanay ay may kakayanang magpasuso ng kaniyang baby.
Gatas ng ina lamang ang kailangan ni baby mula pagkasilang hanggang unang anim na buwan ng kanyang buhay. Lahat ng nanay ay may kakayanan na mag-produce ng gatas at maapagpapasuso sa kanilang baby. Mahalaga na may tamang impormasyon, gusto ng ina at may tiwala siya sa sarili na kaya niyang pasusuhin ang kanyang sanggol.

Mahalaga na simulan ni nanay yang pagpapasuso kay baby sa loob ng isang oras pagkapanganak niya.
Mahalaga na simulan ni nana yang pagpapasuso kay baby sa loob ng isang oras pagkapanganak niya nang sa gayon ay masuso ng sanggol ang colostrums. Ang colostrums ay ang kulay dilaw na gatas na lumalabas sa unang tatlong araw pagkapanganak. Ito ay mayaman sa antibodies para sa matibay na resistensya ni baby sa impeksiyon at sait.

Para sa mabilis at maayos na paglaki ni baby, simulan ang pagbibigay ng karagdagang pagkain sa ika-anim na kumpletong buwan habang patuloy ang pagpapasuso hanggang dalawang taon o mahigit pa.
Hindi sapat ang gatas ng ina lamang upang matugunan ang dumaraming kailangan na nutrisiyon ng sanggol habang siya ay lumalaki. Kailangan ang karagdagang pagkaing tagapag-bigay lakas, tagapagbuo ng katawan at tagapag-saayos ng katawan para sa kanyang mabilis na paglaki at paglusog.

Palaging timbangin ang mga bata para malaman kung sila ay lumalaki ng maayos.
Regular na timbangin ang inyong mga anak at sukatin ang kanyang haba o taas. Ito ang pinakasimpleng paraan upang malaman kung maayos ang paglaki ng inyong anak. Dalhin ang inyong anak sa pinakamalapit na health center or sa doctor para ipatimbang. Ang mabagal na paglai ay isang babala. Tingnan kung wasto ang kinakain ng bata. Ang mabilis na pagbaba ng timbang ay isang masamang palatandaan. Ang labis na pagbigat naman ay maaring humantong sa labis na katabaan.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Hot Sonakshi Sinha, Car Price in India