Ulirang ina, bigyan ng prutas at gulay ang inyong pamilya araw-araw. Iwas sait na, menos gastos pa!
Iminumungkahi ang pagkain ng prutas at gulay ng hindi kukulangin sa limang dulot oservings araw-araw. Ang kalahating tasang lutong madahong gulay ay katumbas ng humigit-kumulang sa isang serving, at ang isang pirasong maliit na prutas o isang katamtamang slice ng prutas ay katumbas ng isang serving. Itago, iluto, iimbak at ipreserve ang gulay ng buong ingat upang mapanatili ang taglay nitong sustansiya, lasa at kulay. Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang pagkain ng maraming prutas at gulay au nakakatulong sa pag-iwas sa mga sakit katulad ng cancer, diabetes at hypertension.
Maging responsableng magulang. Kalusugan ng ina at ng bata ang isaisip sa tamang pag-aagwat ng pabubuntis.
Batay sa pag-aaral, malaki ang kinalaman ng tamang pag-aagwat ng pagbubuntis sa kalusugan ng mga bata. Napatunayan sa nasabing pag-aaral, na lumalaking mas malusog at mataas ang tsansang mabuhay ang mga batang isinilang na may tamang agwat na tatlo hanggang limang taong sa pagitan ng panganganak ng isang babae. Malaki rin ang posibilidad na maging premature at mababa ang timbang ng sanggol sa isinilang ng wala sa tamang pagitan ng panganganak. Nakakatulong din ang birth spacing para sa kaligtasan at kalusugan ng mga anak.
Gatas ng ina lamang para kay baby. Kaunti lamang ngunit sapat na gatas katumbas ay kalusugan at kaayusan sa kanyang paglaki.
Sa unang anim na buwan ng buhay ni baby, gatas ng ina lang ay sapat nang niyang pagkain.. Ito ang unang pagkain ng sanggol na mahalaga upang matiyak ang kanyang kalusugan. Kaunti ngunit sapat ang gatas para msa kailangan ni baby habang siya ay lumalaki. Ang gatas ng ina ay siksik sa sustansiya, may panlaban sa impeksyon, madaling tunawin, available at laging fresh. Hindi dapat mag-alala ang isang ina kung sapat o kulang ang kanyang gatas dahil siya ay nagkakaroon ng gatas na ayon lang sa kailangan ni baby. Laging pasusuhin ang bagong silang na sanggol kapag nakikita na siya ay nagugutom.
“Labanan ang kahirapan at malnutrisyon…Wastong Nutrisyon: alamin, gawin, at palaganapin!
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento