Miyerkules, Hulyo 6, 2011

Simple Nutrition & Food Tips for Filipinos

Kumain ng GO, GROW at GLOW foods.
Walang iisang pagkain ang makapagbibigay ng lahat ng sustansiya na kailangan ng katawan. Upang magkaroon ng masustansiya o sapat sa uri at dami n pagkain, kumain ng mga pahkaing mula sa bawa’t pangkat ng pagkain: GO na tagapag-bigay lakas, GROW na tagapag-buo ng katawan at GLOW na tagapag-saayos ng katawan.

An egg a day is ok! Hindi lang ito masustansiya, abot-kaya pa!
Sa mga taong physically healthy o walang anumang sakit, ang pagkain ng isang itlog araw-araw ay ok. Mayaman sa protina, mineral at bitamina. Kolesterol na taglay nito sa kalusugan ay hindi nakakasama. Para sa mga taong mahilig sa taba at may cardiovascular diseases, ang payo ay pagkain ng hindi lalampas sa dalawa hanggang tatlong pirasong itlog sa isang lingo.

Kumain ng mga pagkain malinis at ligtas sa panganib.
Ugaliin ang wastong pag-iimbak, paghahanda at paghahain ng pagkain. Isagawa ang sampung Golden Rules for Food Safety na nirerekomenda ng World Health Organization. Pamalagiin ang kalinisan ng kusina at ng buong bahay. Huwag pahawakin ang taong may impeksiyon. Magsabon at maghugas ng kamay bago maghanda ng pagkain, bago kumain, at pagkagaling sa palikuran. Hugasang mabuti ang prutas at gulay. Huwag gamitin ang mga kamay sa paghahalo ng pagkain. Hugasang mabuti ang mga gamit sa kusina. Lutuing mabuti ang karne, isda at manok. Ilagay sa refrigerator ang tiring pagkain at painitang mabuti bago ihain muli. Kung hindi nakatitiyak na ligtas ang isang pagkain, itapon ito.

Real food labels.
Mahalaga na basahin ang label sa mga produktong binibili. Sa food labels, malalaman natin ang nutritional content ng isang produkto katulad ng calories, fats, protein, sodium, sugar, cholesterol at iba pa. Malalaman din sa label kung kalian ginawa ang isang produkto at kalian ang expiration date nito.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Hot Sonakshi Sinha, Car Price in India