Para maiwasan ang pagkakasakit, ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
Ang palagiang paghuhugas ng kamay ay isang mabisang paraan para hindi magkasakit at maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa ibang tao. Ang ailangan lang ay malinis na tubig at sabon at kung walang tubig, maaaraing gumamit ng hand sanitizer. Hugasan ang inyong mga kamay bago, habang at pagkatapos maghanda ng pagkain; pagkagamit ng kasilyas, umubo o bumahing sa mga kamay; bago at pagkatapos kumain o uminom; pagkatapos magtapon ng basura, paglilinis ng sugat, bago at pagkatapos mag-alaga ng taong maysakit at higit sa lahat kapag marumi an gating mga kamay.
Uminom ng tamang dami ng fluids araw-araw.
Kailangan ng katawan ang 64 ounces o walong basong likido sa araw-araw lalo na kung mainit ang panahon o kung physically active ang isang indibidwal. Ang tubig ang pinakamabuting likido para manatiling “hydrated” ang katawan. For variety, pwerde rin ang gatas, fruit juices at soups. Nakakatulong ang tubig at iba pang likido sa wastong daloy ng mga sustansiya sa katawan, pananatili ang tamang temperature at tamang pagdumi. Kung kayo ay may sakit, dagdagan ang pag-inom ng tubig at iba pang likido.
Pakainin ang may sakit.
Hindi dapat gutumin ang may sakit. Lalo niyang kailangan ang mga masustansiyang pagkain sa panahong ito para siya ay gumaling. Painumin siya ng maraming likido – gatas, katas ng prutas at tubig. Pakainin siya ng marami hangga’t kaya niya. Kung walang ganang kumain, bigyan siya ng mga pagkaing gustong-gusto niya.
Start the day right with a healthy breakfast.
Sa lahat ng meals sa buong araw, ang almusal ang pinakamahalaga sapagkat ang pagkain ng almusal ang nagbibigay ng enerhiya para magawa natin ang mga Gawain sa buong araw. Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng almusal ay nakakatulong sa mga bata na maging alerto at maayos ang performance sa eskwelahan. Nakakatulong din ang pag-aalmusal sa hindi pagiging overweight sa pagtanda. Ang isang maayos na almusal ay dapat makapagbigay ng 1/3 na kaloriyang kailangan ng isang tao sa isang araw.
Kumain ng iron fortified rice para sa malakas na katawan.
Ang pagkain ng iron-fortified rice o IFR ay mainam para maiwasan ang pagkakaroon ng anemia. Ang IRF ay ordinaryong bigas na dinagdag o hinaluan ng iron-rice premix na kulay dilaw. Ang pagluluto ng iron-fortified rice ay tulad din ng karaniwang bigas. Walang epekto sa lasa ng kanin ang iron-rice premix. Sa madalas na pagkain ng iron-fortified rice, makasisiguro ka na sapat ang supply mo ng iron sa araw-araw. Ang iron-fortified rice ay nabibili sa pamilihang bayan.
Tangkilikin ang brown rice na siksik sa sustansiya.
Ang brown rice or pinawa ay hindi kiniskis na bigas na tinangalan lang ang balat ng butyl o ipa sa pagbabayo. Maaring ang kulay nito ay brown, mapula o kulay lila o violet. Kumpara sa putting bigas, mas siksik sa sustansiya ang brown rice dahil ang bran o darak at embrayo ay nasa butil pa kung saan ang ibang sustansiya ay nakapaloob. Maliban sa kaloriya, carbohydrates, at protina, mayaman din sa fiber o hibla at mahahalagang langis ang brown rice. Ang hibla ay tumutulong sa pag-iwas sa mga sakit sa tiyan at puso. Pinapalaganap ang pagkain ng brown rice dahil sa ito ay mabango, mas malasa at mas masustansiya. Medyo may kamahalan lang ito pero tiyakan naman ang sustansiyang dulot nito.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento