Huwebes, Hulyo 7, 2011

Simple Nutrition & Food Tips for Filipinos part2

Lifestyle diseases iwasan, kumain ng wastong pagkain, mag-ehersisyo araw-araw, huwag manigarilyo at iwasan ang pag-inom ng alak.
Maraming Pilipino ay nagkakaroon ng hypertension, cancer, at diabetes dahil na rin sa maling lifestyle at kaugalian sa pagkain. Para maiwasan ang mga ito, iwasan ang pagkain ng mamantika, matataba, matatamis at maaalat na pagkain. Dagdagan ang pagkain ng prutas at gulay. Iwasan ang sigarilyo at alak at mag eher-sisyo ng regular para mapanatili ang tamang timbang. Ugaliin ang healthy lifestyle araw-araw!

Maging matalino, masinop at practical sa pagplaplano, pamimili at paghahanda ng masustansiyang pagkain para sa pamilya.
Ngayong panahon ng krisis kung saan mataas ang presyo ng mga bilihin, mahalaga ang pagiging matalino, masinop at praktikal lalo na sa pagplano, pagbili at paghanda ng mga sustansiyang pagkain ng pamilya. Pumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain katulad ng lamang-loob na karne, maliliit na isda o alamang, butong-gulay, buto-buto, itlog at mga gulay. Maaring haluan ito ng mga halamang-ugat para sa dagdag na sustansiya at kaloriya. Bumili ng mga pagkaing napapanahon. Maghanda ng one-dish meal tulad ng ginisang munggo o sinigang. At huwag kalimutan ang bumili ng pinagyamang pagkain or fortified foods.

Huwang magsayang ng bigas! Mahalaga ang bawa’t butil nito.
Nakakalungkot na may mga kababayan tayong walang pakundangan kung magsayang ng pagkain. Samantalang marami sa ating kababayan ang halos walang makain. Sa bigas pa lamang, lumilitaw sa pagaaral ng Food and Nutrition research Institute na may naaksayang 14 gramo ng bigas ang bawa’t Pilipino araw-araw. Huwang itong maliitin! Kapag ito’y pinagsama-sama, tinatayang 41,902 tonelada ang nasasayang at nawawala bawa’t taon dahil sa maaksayang Gawain at kaugalian sa pagkain. Mahala ang bawa’t butyl ng bigas lalo na sa ating mga kababayang nakakaranas ng gutom at kahirapan. Huwag nating sayangin ito.

Pamalit na pagkain sa bigas, masarap, masustansiya at abot-kaya pa.
Sa mga Pilipino, hindi kumpleto ang isang salu-salo kung walang kanin. Tinaguriang reyna ng hapagkainan, ang kanin ang pangunahing pinagkukunan ng kolariya o enerhiya para sa ating katawan. Ngunit marami ang hindi nakakabili ng bigas o nakakapaghain ng kanin ngayon dahil sa mataas ang presyo nito. May mga alternatibong mapagkukunan ng sustansiya mula sa kanin. Maaring pamalit ang mais sa kanin-bigas. Pwede din ang mga lamang-ugat katulad ng kamote, kamoteng-kahoy, gabi, at uraro. Hindi lang ang mga ito ay masarap at masusustansiya kundi abot-kaya pa.

Magtanim ng prutas at gulay at mag-alaga ng hayop at isda sa sariling bakuran. Magpakukunan ito ng pagkain pangaraw-araw at mapagkakakitaan pa.
Apatnapung iba’t-ibang sustanya ang kailangan ng isang tao araw-araw para sa malusog na pangangatawan. Ngunit walang iisang pagkain ang nagtatalay n lahat ng sustansiyang ito. Hindi rin lahat ay kayang bumili ng angkop na pagkain. Ang pagtatanim ng mga gulay at pag-aalaga ng mga hayop at isda sa inyong bakuran ay isang alternatibong mapagkukunan ng pagkain na may nararapat na nutrisyon para sa katawan. Maari pa itong mapagkakitaan ng inyong pamilya. Sino pa ba ang tutulong sa ating sarili kundi tayo mismo rin! Kaya, tao na’t magtanin at mag-alaga ng hayop at isda sa ating sariling bakuran.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Hot Sonakshi Sinha, Car Price in India